Thursday, October 8, 2009

Sideline

Life is tough.


Lalo na kung may pamilya kang binubuhay.

Yun bang may asawa ka na at may children na rin.

Buti na lang naging bading ako kaya kahit na magka-relasyon man ako eh hindi rin ako makapag-asawa dahil wala pa naming same-sex marriage dito sa atin at lalong hindi rin ako magkaka-anak noh. Kahit pa siguro mag acrobats kami ng aking ‘partner’ ay walang mabubuong fetus. Hahaha!

Anyway, kahit na I’m single eh I also feel the struggle noh. I still support my family back home. I also have a lot of bills to pay. Speaking of bills, eh tambak na naman ang aking love letters from mga pinagkakautangan. Leche. Walang katapusang bayaran na naman ng utang. Due na rin ng aking insurance para sa aking legs. Hahaha!

Kung nahihirapan ako sa buhay kahit single ako, how much more those who have families noh? I only think of myself most of the time tapos naloloka na ako sa pagba-budget, yun pa kayang hindi lang sarili mo ang pakakainin mo. Juice ko. Mabuti na lang talaga at naging bading ako. Walang asawang naghihintay na abutan ng sweldo. Walang anak na naghihintay na pakainin, paaralin, at kung magkasakit ay ipapagamot mo. Mabuti sana kung pinanganak ka nang mayaman. Eh kung purita ka like the most of us. Kung puede lang ay gagawin mong araw ang gabi.

Well, ganyan nga talaga siguro ang buhay-mahirap. Struggle parati. It’s a common life cycle.

Back to me. Hahaha! I’m thinking nga of getting a sideline.


Yung work na hindi sagabal sa aking regular job. Something legal. Kasi naman kung ibebenta ko rin ang aking laman, wala naman sigurong bibili noh? Hahaha!

Back in college nagbebenta ako ng cosmetics to support myself. Rumaraket din ako sa pakontest sa Miss Gay pero laging talo kaya nagtiyaga na lang ako bilang side-kick ng isang make-up artist. At least yun sure ang kita. Kung beauty contestant kasi eh wala kang pera kung hindi ka manalo or maging runner-up.

Wala rin pera dito sa blogging. Hindi epektib sa akin ang making money online ek-ek. Masyadong complicated. Isa pa, hindi ko alam ang pasikot-sikot diyan. Wala na nga akong advertiser eh. Meron ako dati pero pinull-out ko kasi may chika na scam daw yun at walang natatanggap ang mga affiliates.

Anyway, pag-iisipan ko kung anong puedeng gawin. I have a few options already. Ang kino-consider ko lang is that kelangan hindi ito maging sagabal sa aking regular day job. Ayoko rin ng complicated na sideline. At higit sa lahat, dapat mabilis ang ROI. Hahaha! Wish ko lang.

Teka.

Tumanggap kaya ako ng labada.


What do you think?

6 comments:

Yj said...

ano veh...

insured ang legs mo tapos maglalabada ka lang?

hehehehe...

buti nalang may pagka selfish pa ako kaya hindi ko pa naiisip bumuo ng sarili kong pamilya....

hahahahaha as if!!!

mel beckham said...

Yj: masaya maging selfish. nyahaha!

an2nette said...

Hi mel, hirap talaga ang buhay ngayon, lalo na those who have less in life at saka yung mga typhoon victims, thats why thankful ako kay LORD sa lahat ng blessings, sana maging productive kung ano man ang options mong maging sideline

Herbs D. said...

i like the ANTM shot :)

Ming Meows said...

apply kag model teh. LoL

reyna elena said...

ay tamang tama. i heard, maraming tubig sa manila hehehe