This week started very sadly noh. Let’s take a break muna from the serious stuff and be a little lite for a moment.
It’s the last week of November already and sa United States this means babaha na naman ng roasted turkey and everything. Forget the diet and time to binge on food and cholesterol. Hahaha!
Anyway, konting tulog na lang at magpa-Pasko na rin dito sa atin.

Which means 13th month pay and Christmas bonuses is on their way. Some employers though have already given their bonuses sa kanilang mga empleyado. Well, good for them at nakapamili na sila ng mga kung ano mang gusto nilang bilhin. Meanwhile ako ay naghihintay pa kung kelan mabibigay. Sana before Christmas at marami akong gustong bilhin for myself. Yes, you heard it right. Myself. Wala akong planong mag-share. Charing! Just kidding. Siyempre naman magshe-share ako ng blessings noh. In fact it’s been my yearly tradition to buy stuff for friends and families samantalang sa aking sarili ay halos wala nang matitira. Sa maniwala man kayo or hindi, mas masarap talaga ang feeling ng nagbibigay. Pero mas masaya pa rin kung ikaw ang binibigyan. Hahaha!
So, ano ba ang gusto ko this Christmas.
Siyempre, una na diyan ang world peace. Ito pa rin ang pinaka-importante sa lahat ng bagay. Because if there is world peace, happiness is everywhere. At kung happy lahat, walang sad siyempre. Charing!
Second of all, wish ko na sana yung mga nabiktima ng baha ay nakapag-move on na at maging happy rin ang kanilang holidays.
Third, ma-resolve na kaagad ang karumal-dumal na nangyari last Monday. Managot na ang dapat managot. Put them behind bars, or better yet, ibaon din sila ng buhay.
Fourth, sana mabulunan si Gloria and Mike Arroyo habang kumakain ng lechon at matuluyan na. Hahaha! So bad.
Okay enough na sa mga unselfish wishes. Pumunta naman tayo sa mga pansariling material wishes ko. Minsan lang naman ako mag-wish and I know hindi magkakatotoo ito dahil very imposible talaga. Pagbigyan niyo na ako ha, malay niyo magkaroon ng milagro at magkatotoo. Eto ang wish list ko for this Christmas.
1. A new phone. Alam niyo 1 year old na itong cellphone ko pero hindi ko pa naman siya pinagsawaan. Kung gusto ko ng bago eh ito ang gusto ko kasi hindi mahirap magtext.

Mas bongga ito dahil qwerty na ang keypad.
2. A new bag. Siyempre kung mag-aambisyon na lang ako eh itotodo ko na. Ito ang gusto ko.

Ang taray ‘di ba? Para feeling Victoria Beckham din ako. Not Jinkee Pacquiao ha, excuse me. LOL
3. A dream destination. Well, locally gusto ko pa rin makapunta sa Batanes but kung international ang pag-uusapan natin ay gusto kong makapunta sa Morocco.

Feeling ko maganda doon at exotic. Yun lang.
4. A new boytoy. Nagsawa na kasi ako kay Jericho Rosales eh and mukhang nagkabalikan na sila ni Kristine Hermosa so malamang doon siya magpa-Pasko. So my choice for a new boytoy is Aaron Tveit.

Hindi mo siya kilala? Well, mas mabuti at nang hindi mo rin siya pagpantasyahan. Hahaha!
5. A Christmas dress. Siyempre dapat bago ang suot ko habang magsisimba ako on Christmas eve ‘di ba? So eto ang gusto kong isuot sa simbahan.

What do you think? Thank you Haider Ackermann. I’m sure God will be so proud to see me in your dress. Charing!
6. A New Year's dress. Aba siyempre kelangan iba din ang outfit sa new year noh! Hahaha!

Thank you Vera Wang. Hihintayin ko yan sa mailbox ko. LOL
7. A new pair of heels. Ano pa nga ba ang latest rage sa mga fasyon sa buong mundo kundi ang to own a pair of these super gorgeous alligator heels from Alexander McQueen.

Juice ko ‘day, pag may ganyan na ako irarampa ko talaga sa EDSA. Hahaha!
8. A new pair of eyeglasses. Kasi naman masyado nang kawawa ang mga eyeglasses ko. Yung iba naiwan ko pa sa bahay sa DC. Like owning a hundred bags, gusto ko rin marami akong eyeglasses depende sa mood. Eto ang gusto ko.

‘Di ko afford eh kaya nandito rin siya sa list.
Hay naku. Yan na muna ang partial wish list ko. Next week ulet ang karugtong at mag-iisip pa ako. In the meantime maglalaba muna ako ha at nang may income naman ako.
Back to reality.
Hahaha!




4 comments:
una, naloka ako sa alligator shoes. mukhang alien creature.
ikalawa, bagay ka nga sa morroco. when i was there bagay ako dun, eh. birds of the same feather.
ikatlo, nawa'y maay makuha ka kahit isa sa wishlist mo. ako rin may wishlist pero mukahang wish na lang kasi ang una eh isang brand new car...
Ate Kiel, oo nga noh mukhang alien nga ang shoes. Hahaha! Pero kung magkaron ako ng ganyan I will surely werq it.
bigyan na lang kita ng condom galing dubai :D
those alexander mcqueen heels are to die for! i'd wear one for a day if i could hahaha
Post a Comment