I like singing.

Since I was a little gurl ay mahilig na akong kumanta. I think I started singing when I was 8 or 9. Naalala ko pa kasi unang Sali ko sa isang singing contest ay dun pa ginanap sa munting kapilya ng aming barangay. Lima kami nun and my song choice was
Whitney Houston’s One Moment in Time. Yes, biritera na ako nung maliit pa ako. Kayang-kaya kong kantahin yan without making a falsetto. Very normal lang yun para sa akin na para lang akong humihinga. Effortless kumbaga. Hahaha!
Sa totoo lang ay medyo nagulat si Mother na may talent pala ako sa singing. Ang ginawa niya ay binilhan niya ako ng multiplex tapes at microphone para daw makapag-praktis ako. “Training songs” ko noon ang mga kanta ng
ABBA kaya nung pinalabas ang
Mamma Mia sa movies ay ecstatic ako. Hindi kasi ako aware kung anong mga kanta ang uso noon kaya pinagtiyagaan ko na rin ang mga kanta ng
ABBA. Favourite kong kantahin siyempre ang Thank You For the Music. My favourite line to that song was,
“I’ve been so lucky, I am the girl with golden hair.”Hahaha!
Pasalamat kayo at wala pang youtube noon dahil kung meron lang, malamang singer na rin ako ngayon. Hahaha!
Anyway, hindi rin nagtagal ang aking singing career dahil mas focused ako sa school. Although kumakanta din ako sa school activities and I participate during musical shows and contests sa school din.
Eventually, nag-iba na rin ang timbre ng aking boses kasi nga nagdadalaga na ako.
Nahihirapan na akong bumirit at kumanta on higher keys. One time, kumanta ako ng
Journey ni
Lea Salonga sa isang school program, eh bigla akong pumiyok. Tawanan ang mga tao. Tumawa na rin ako. Akala niyo iiyak ako, hindi noh! Napahiya ako pero hindi ko pinakita. Makapal kaya mukha ko. Hahaha!
Pero na-trauma ako sa nangyari. Hindi na ako kumanta in public for a very long time. Kahit sa mga family gatherings or parties, I always decline to sing if I’m being asked. Ayoko nang mapahiya. Masakit ang pagtawanan ka sa harap ng maraming tao. Oo nga tumawa din ako pero deep inside I was hurting. Charing!
Mahirap na rin kumanta ngayon kasi kelangan piliin mo ang nararapat na kanta para sa level na kaya ng boses mo. Hindi na pambirit ang boses ko.
But that did not stop me from singing.
Mahilig kaming mag-videoke. Kaya naming kumanta kahit buong araw pa ito. Hahaha! Siyempre dahil frustrated diva nga ako ay palaging naka-lineup ang mga kantang pang-diva talaga. Eto ang madalas kong kinakanta tuwing may videoke session ang mga bruha.
Pangarap ko ang Ibigin ka (Regine Velasquez): ito ang pinaka-favourite kong kanta ni Ate Reg. Ini-imagine ko lang na si Dingdong Dantes ang inaawitan ko at feel na feel ko nang bumirit nito.
Because you Loved me (Celine Dion): mahirap kantahin dahil sa mga adlibs pero keri lang. Feeling Michelle Pfeiffer din ako na hinaharana si Robert Redford habang nakaharap sa videoke machine.
Shine (Regine Velasquez): this is my pambungad/panggulat piece lalo na kapag maraming tao sa paligid. Yun bang aakalain nilang ambisyosa ako sa aking song choice at magugulat na lang sila dahil keri ko pala. Hahaha!
Bitch (Meredith Brooks): dahil minsan feeling kong magpaka-rockstar. Madalas kasi walang songs ng favourite rock band kong
Garbage sa mga videoke bars.
Tell Him (
Celine Dion & Barbra Streisand): ito naman madalas naming kantahin ni KC or Edz as a duet. Keri namin ang blending and most of the time, lines ni Barbra ang inaawit ko.
Through the Fire (Chaka Khan): hindi puedeng mawala sa lineup ang kantang ito dahil ito ang national anthem ng mga bakla tuwing may videoke.
Forever’s not Enough (Sarah Geronimo): para feeling young popstar.
Listen (Beyonce Knowles): so far ito ang pinakamahirap kantahin lalo na ang birit part. Ambisyosa na kung ambisyosa but I just can’t resist mag- ala Dreamgirls paminsan-minsan. Habang kinakanta ko ito ay palagi kong iniisip ang mukha ni Jamie Foxx sa movie. Nakakadagdag-depth sa performance. Hahaha!
Reflection (Christina Aguilera): dahil favourite kong kantahin ang linyang,
“Who is that girl I see, staring straight back at me”. Feeling ko kinakausap ko ang aking inner gurliness.
Bukas na lang kita Mamahalin (
Lani Misalucha): hands down ito ang pang-finale song ko. Feeling Asia’s Nightingale talaga ako pag-kinakanta ito. Unique ang song na ito dahil medyo soft sa beginning tapos biglang may birit pala sa gitna ‘til the end. Pramis, madalas 100 ang score ko dito. Hahaha!
Oh ayan ha. Alam niyo na ang mga favourite videoke songs ko. Next time kapag may concert, este videoke tayo ay alam niyo na kung ano ang pipindutin na codes for me. Hindi pa naman ako marunong mag pindot pindot sa videoke machines. Hahaha!
photo credit: here